dzme1530.ph

Digital economy ng Pilipinas, lumampas sa higit P2-T noong 2022

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na malaki ang ini-ambag ng digital economy ng Pilipinas sa Gross Domestic Product noong 2022.

Batay sa huling datos ng ahensya, pumalo ito sa P2.08-T noong nakaraang taon, mas mataas ng 11% kumpara sa P1.87-T noong 2021.

Ang digital economy ay binubuo ng digital transactions na sumasaklaw sa digital-enabling infrastructure, e-commerce, at digital media/content.

Nanguna naman sa may pinakamalaking share noong 2022 ang digital-enabling infrastructure na may P1.60-T o 77.2%, mas mataas ng 7.5% kumpara sa P1.49-T noong 2021.

Kasama sa top two contributors sa ilalim nito ang telecommunication services at professional and business services. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author