dzme1530.ph

DICT, tiniyak na isinusulong ang pagkakaisa at pag-unlad kasabay ng pagbati para sa Eid’l Adha

Isinusulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkakaisa at inklusibong pag-unlad sa pamamagitan ng mga programa sa connectivity, e-governance, industry development, cybersecurity, at upskilling.

Ito ay kasabay ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o feast of sacrifice ng mga Muslim.

Sa kanilang mensahe, inihayag ng DICT na ang bagong Pilipinas ay maituturing na isang bayang digital.

Kaugnay dito, umaasa ang Kagawaran na ang selebrasyong ay magdudulot ng pagmamahalan at pagkakaisa sa lahat ng Pilipino, tungo sa isang mapayapa at maunlad na bagong Pilipinas.

Mababatid na idinaos ngayong buwan ang Information and Communications Technology Summit sa Cotabato City kung saan itinaguyod ang digitalization ng legislative process at pagse-serbisyo ng Bangsamoro Region.

 

About The Author