dzme1530.ph

DICT, nakipagsanib-pwersa sa PNP para sa iReport App

Isang Memorandum of Understanding ang ang isinagawa ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at Philippine National Police (PNP) para sa iReport App sa Kampo Crame, ngayong araw, July 17.

Ayon kay DICT Sec. Ivan john Uy, ang launching ng iReport app na pinanguhan ng ahensya ay magbibigay tulong sa PNP na magkaroon ng mabilis na access sa impormasyon para agad na maaksyunan ang kriminalidad sa bansa.

Pinasalamatan naman ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang tulong ng DICT na aniya’y malaking ambag para sa hanay ng kapulisan.

Ang app na ito ang magtuturo sa mga pulis sa pamamagitan ng GPS kung saan ang eksaktong lokasyon ng sakuna o krimen.

Umaasa ang PNP Chief, na sa pagtutulungan ng mga concerned citizen ay agad na malulutas ang kriminadad at sakuna sa bansa. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author