dzme1530.ph

DICT, nagpaliwanag kaugnay ng hindi pa paggana ng karamihan ng online services sa E-Gov Super App

Nagpaliwanag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay ng hindi pa paggana ng karamihan ng online services sa inilunsad na E-Gov Super App, o ang one-stop-shop kung saan pinagsama-sama ang online services ng local at national government.

Ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy, mayroong kabuuang 455 national government agencies, 114 state universities and colleges, 1,600 local government units, at mahigit 100 Government-Owned or -Controlled Corporation (GOCCs)

Malabo umanong mailagay ang online services ng lahat ng nabanggit na ahensya o tanggapan sa loob lamang ng 10 buwan.

Kaugnay dito, sinabi ni Uy na magkakaroon ng mga phase o bahagi ang mga serbisyo ng E-Gov Super App.

Nilinaw din ni Uy na ang tanging naisama pa lamang sa E-Gov app ay ang mangilan-ngilang ahensya na advanced na sa digitalization. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author