dzme1530.ph

DICT, humihirit ng confidential funds para habulin ang mga scammer

Nangangailangan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng confidential funds upang magampanan ang kanilang mandato na habulin ang mga scammer.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na tali ang kanilang kamay kapag wala silang confidential funds.

Idinagdag ni Uy na maraming paraan ang mga scammer para maiwasang ma-detect sila at maaresto.

Bingyang diin ng kalihim na hangga’t maari ay kailangan nila ang lahat ng resources at kagamitan na posible para mahuli ang cybercriminals.

Humihirit ang DICT ng P300-M na halaga ng confidential at intelligence funds (CIF) para sa fiscal year 2024. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author