dzme1530.ph

DICT at NTC, muling kinalampag laban sa talamak na bentahan ng pre-registered SIM card

Loading

Kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC) upang higpitan pa ang pagpapatupad ng batas laban sa talamak na bentahan ng mga pre-registered SIM card.

Sinabi ni Gatchalian na ginagamit ang mga pre-registered SIM card sa iba’t ibang uri ng panloloko at online scams, lalo na ngayong malapit na ang Pasko kaya’t marami ang mananamantala.

Nanawagan ang senador sa NTC at DICT na gamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang obligahin ang mga telco na gumawa ng mekanismo para matukoy ang mga subscriber.

Kailangan aniya maghanap ng makabagong solusyon at hindi dapat hayaang magpatuloy ang mga iregular na gawain.

Aminado si Gatchalian na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaabot ang layunin ng batas na matulungan ang mga awtoridad na matukoy ang mga grupong sangkot sa mga scam gamit ang mga prepaid SIM.

About The Author