dzme1530.ph

DFA, mga pinoy na nasa death row, walang nabitay ngayong 2022

Ibinida ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nasa Death Row ang tinuluyang bitayin ngayong taon dahil sa tuloy-tuloy na tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng Legal Assistance Fund.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega na isa ito sa major accomplishments ng ahensya ngayong 2022, bukod sa ligtas na paglilikas sa mga Pinoy sa Ukraine makaraang salakayin ng Russia.

Iniuugnay ng Diplomat ang Zero Execution sa mahigpit na pakikipagugnayan ng DFA sa Host Governments, maging sa direktang ugnayan sa pagitan ng mga lider ng mga bansa.

Batay sa pinakahuling datos mula ng DFA, as November 11, mayroong animnapu’t limang Filipino na nasa Death Row sa iba’t ibang bansa.

About The Author