dzme1530.ph

DFA, TINIYAK NA BATAS NG PILIPINAS ANG MASUSUNOD SA ANUMANG JOINT OIL EXPLORATION TALKS

Loading

Nangako ang Department of Foreign Affairs na anumang posibleng joint oil and gas exploration na papasukin ng Pilipinas sa China o sa iba pang bansa ay ibabatay sa mga probisyon ng ating Konstitusyon.
 
Ayon sa DFA, paninindigan ng gobyerno ang ating soberanya at sovereign rights sa natural resources sa loob ng ating exclusive economic zone.
 
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkonsidera sa lahat ng lawful at viable options upang matiyak ang energy security sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Tiniyak naman ng DFA na pinaiiral nila ang diplomasya sa pakikipag-usap sa China kaugnay sa usapin sa enerhiya.

About The Author