dzme1530.ph

DFA: Repatriation ng mga Pinoy sa Gaza, natapos na

Natapos na ng Pilipinas ang repatriation sa lahat ng Pilipino sa Gaza.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na nailikas na ang isandaan at tatlumpu’t anim na Filipino nationals sa Gaza.

Kabilang dito ang huling batch ng repatriates na binubuo ng tatlong pamilya o labing-apat na katao na dumating kahapon sa bansa.

Bukod dito, wala na ring hawak na hostage na Pinoy ang mga rebelde.

Sinabi naman ni De Vega na may isa pang madreng Pinay na naiiwan sa Gaza ngunit kusang-loob umano itong nagpaiwan para sa kanyang misyon.

Matatandaang ipinag-utos ang mandatory repatriation ng mga Pinoy sa Gaza sa ilalim ng Alert Level 4, sa harap ng bakbakan ng Israel at teroristang grupong Hamas.

About The Author