dzme1530.ph

DFA patuloy nakikipag-ugnayan sa DOJ at iba pang ahensiya para sa pagkansela sa pasaporte ni Alice Guo

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang timeline kung kailan makakansela ang pasaporte ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sinisikap na nilang mapabilis ang pagkansela ng kanyang Philippine passport para sa agarang pag aresto sa dating alkalde.

Ayon pa kay Manalo, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga ahensyang may kinalaman sa pagkakatunton kay Guo.

Nakikipg ugnayan na rin aniya ang DFA sa Department of Justice at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno hinggil sa pgkansela sa passaporte ni Alice Guo na ngayon ay nasa labas na ng ating bansa. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author