Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa mga huwad na website na nagsasabing pinapadali ang Philippine E-Visas.
Ayon sa DFA, isang aktibong website ang nagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay sa E-Visa at iba pang mga regulasyon.
Paglilinaw ng kagawaran na ang impormasyon sa E-Visa ay ilalathala lamang sa pamamagitan ng mga opisyal na channel nito.
Gaya ng inihayag sa press briefing nito noong July 26, 2023, ang E-Visa system ng Pilipinas ay ilulunsad sa Philippine Foreign Service Posts sa China sa 24 Agosto 2023.
Ang E-Visa System ng Pilipinas ay kasalukuyang binuo at nililinaw sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT). –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News