Ikinabahala ng Pilipinas ang patuloy na paglulunsad ng ballistic missile na isinasagawa ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK).
Ayon sa Department of Foreign Affairs ang mga aksyon ng DPRK ay nagpapahina sa pag-unlad ng ekonomiya, kapayapaan, at katatagan sa Korean Peninsula at sa Indo-Pacific region.
Nanawagan din ang DFA sa DPRK na agad itigil ang mga aktibidad na ito at sumunod sa lahat ng international obligations, kabilang ang mga resolusyon ng UN Security Council, at mangako na bumuo ng mapayapang pag-uusap.
Hangad umano ng Pilipinas na makita ang pangmatagalang kapayapaan sa Korean Peninsula. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News