dzme1530.ph

DFA, maghahain ng diplomatic protest kaugnay ng pinakabagong panghaharass ng China sa Philippine vessels sa WPS

Loading

Maghahain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest kaugnay ng pinakabagong pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa katubigan ng Pag-asa Island.

Kinumpirma ni DFA Spokesperson Angelica Escalona na magsasampa ng protesta ang pamahalaan laban sa China, kasunod ng agresibong aksyon ng CCG na nagdulot ng pinsala sa BRP Datu Pagbuaya kahapon.

Mariing kinondena ng gobyerno ng Pilipinas ang pinakabagong pangha-harass ng CCG at kanilang maritime militia vessels habang nasa territorial sea ng Pag-asa Island.

Tinawag ng National Maritime Council ang mga “illegal and reckless actions” ng CCG bilang isang “grave concern” para sa bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), binomba muna ng tubig ang BRP Datu Pagbuaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bago ito sadyang binangga ng mga Chinese vessel.

About The Author