Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo na wala pa silang natatanggap na formal request for extradition kay Apollo Quiboloy mula sa Estados Unidos bagama’t mayroong extradition treaty ang Pilipinas at Amerika.
Wala rin anya silang nakuhang request para sa anumang tulong mula sa mga naging biktima ng human trafficking ni Quiboloy.
Tiniyak naman ang DFA na handa ang lahat foreign service posts na tumulong sa sinomang nais mangangailangan ng tulong.
Samantala, sa pagsisimula ng pagdinig, ikinuwento ni Sen. Risa Hontiveros na nang buksan niya ang imbestigasyon noong Disyembre, nakatanggap siya ng mga payo na huwag banggain si Quiboloy dahil hindi niya kakayanin.
Sinabi ni Hontiveros na itinuloy niya ang pagdinig dahil sa mga kwento ng mga naabuso tulad ng mga babaeng ginawang pastoral upang makapagbigay ng sexual services kay Quiboloy dahil ang pakikipagtalik umano ay paraan ng pagsamba sa Ama.
Sa kabilang dako, kapuna-punang walang reaksyon ang nananahimik na si Quiboloy sa mga pahayag ni Hontiveros.
Samantala, ipinaalala sa pagdinig ni Tolentino ay para lamang sa pagbuo ng mga kaukulang batas at hindi para litisin ang mga kaso. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News