dzme1530.ph

DFA, kinumpirmang may 5 pang Pinoy ang sinisikap mapauwi mula Myanmar

Mayroon pang limang Pinoy sa Myanmar ang sinisikap na mapauwi ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na sa mga nagdaang buwan ay nakapagpauwi na sila ng mahigit 300 Pinoy mula sa nasabing bansa.

Gayunman, may lima pa umanong natitirang Pinoy ang sinisikap ding ma-repatriate, at nakikipag-ugnayan na ang DFA sa mga awtoridad sa Myanmar dahil ang kanilang kinalulugaran ay kontrolado ng mga rebelde.

Matatandaang sumiklab ang gulo sa Myanmar kasunod ng pag-takeover ng military government noong 2021.

Bukod dito, may mga Pinoy din na na-biktima ng human trafficking matapos ipuslit sa Myanmar para gawing scammers. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author