dzme1530.ph

DFA, ipinatawag ang Chinese executive kaugnay ng panibagong water cannon incident sa Bajo de Masinloc

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong ng Chinese Embassy, kaugnay ng pambobomba ng tubig kamakailan ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang civilian ships ng Pilipinas sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, iprinotesta ng pamahalaan ang harassment, ramming, swarming, shadowing, blocking, paggamit ng water cannons at iba pang agresibong mga hakbang ng CCG at Chinese Maritime Militia laban sa Philippine vessels.

Nakasaad sa statement ng DFA, ang kanilang demand sa Chinese vessels na agad lisanan ang Bajo de Masinloc.

Nangyari ang insidente noong Martes kung saan malakas na binomba ng tubig ng CCG ang BRP Bagacay at BRP Bankaw na nagdulot ng pinsala sa dalawang barko ng Pilipinas.

About The Author