dzme1530.ph

DFA, ipagpapatuloy pa rin ang diplomasya sa kabila ng lumalalang tensyon sa WPS

Ipagpapatuloy pa rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga hakbang sa diplomasya sa kabila ng lumalalang tensyon sa Ayungin shoal sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay DFA Acting Secretary Ma. Theresa Lazaro, nananatili ang Bilateral Consultative Mechanism On South China Sea kung saan ang huling meeting ay idinaos sa Shanghai, China noong Enero 17.

Sinabi pa ni Lazaro na may posibilidad na magkaroon muli ng meeting sa hinaharap.

Nilinaw naman ng DFA Official na hindi bigla-bigla ang pagpapatawag ng meeting sa kabila ng nangyaring insidente sa Ayungin shoal.

Binuo ang Bilateral Consultative Mechanism para sa maayos na pag-resolba sa mga sigalot sa West Philippine Sea.

About The Author