dzme1530.ph

DFA, inaayos na ang pag-uwi sa Pilipinas ng ilang Filipino gov’t officials na stranded sa Israel

Loading

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinutulungan nilang makabalik sa Pilipinas ang ilang Filipino government officials mula sa Israel.

Ayon sa DFA, inaayos nila ang pag-uwi sa bansa ng mga opisyal sa pamamagitan ng Jordan.

Ang mga opisyal ay dumadalo sa isang short course sa Israel, at inaasahang makauuwi sa bansa ngayong weekend.

Kabuuang 17 opisyal ang inaasistehan, kabilang ang 9 na Mayors, 4 na Vice Mayors, dalawang Party-list representatives, at dalawang Regional directors.

Inihayag naman ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na stranded ang 17 opisyal at 5 pang bisitang Pinoy, matapos isara ang airspace at airports bunsod ng retaliatory air strikes ng Iran sa Israel.

About The Author