dzme1530.ph

DFA, hinimok na magtatag ng research alliances kasama ng maritime countries

Nanawagan si Sen. Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magtatag ng mga research and development alliances kasama ang mga maritime countries kasunod ng panibagong pag-atake ng water cannon sa resupply mission vessel ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Inihalimbawa ni Tolentino ang Norway, na may malawak na karanasan sa science and research sa marine resources ngunit hindi kasama sa alyansa ng defense treaty kaya’t maaaring isama ng Pilipinas sa mga research and development treaties.

Maaari rin aniyang isama ang The Netherlands gayundin ang iba pang mga bansa sa Europa at Latin America na malayo sa Pilipinas.

Kasabay nito, inihayag ni Tolentino na pabor siya sa pagsasagawa ng joint patrol at joint exercises kasama ang mga bansang may defense treaties ang Pilipinas.

Gayunpaman, hindi inaasahan ni Tolentino na matatapos ang paglabag ng China sa mga karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ng 2016 Arbitral Ruling.

About The Author