dzme1530.ph

DFA, BINALAAN ANG MGA PINOY NA IWASANG PUMASOK SA FOREIGN MILITARIES

Loading

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino laban sa pagtanggap ng trabaho sa abroad na maaring mauwi sa recruitment sa foreign armed forces.

 

Ayon sa DFA, ang partisipasyon sa foreign armed conflicts ay maaring magdulot sa mga Pinoy ng “grave danger and serious legal consequences.”

 

Idinagdag ng ahensya na ang pag-anib sa militar sa ibang bansa ay maaring labag sa batas ng Pilipinas at magresulta sa pagkawala ng citizenship.

 

Ginawa ng DFA ang babala, kasunod ng reports na dalawang Pinoy ang umano’y nakipagbakbakan para sa Russia sa gitna ng Russian-Ukrainian war.

 

Isiniwalat ng military intelligence agency sa Ukraine, noong Enero ay isang Pinoy ang umano’y nasawi sa Donetsk Region habang nagsisilbi sa Russian Forces.

About The Author