dzme1530.ph

Development sa Cotabato Airport tiniyak ng DOTr, CAAP

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ginagawa nilang mga hakbang para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang development project sa Cotabato Airport na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kasunod nito, nakipagpulong sina Transportation Sec. Jaime Bautista, CAAP Director Gen. Antonio Tamayo kina Bangsamoro Minister of Transportation and Communications Paisalin Tago at Bangsamoro Airport Authority Dir. Roslaine Macao – Maniri.

Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang nagpapatuloy na pagkukumpuni gayundin ang pagpapalawak sa runway ng Cotabato Airport upang masiguro ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga pasahero.

Magpapadala ng mga engineer on-site ang DOTr at CAAP upang tingnan kung natutupad ang plano sa ginagawang construction activities. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author