dzme1530.ph

Detensiyon ni Brice Hernandez sa Camp Crame, pagpapabor lamang sa “request” –Senate Sergeant-at-Arms

Loading

Nakaditine sa Custodial Center sa Camp Crame si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez matapos magkasundo ang Senado at Kamara na huwag muna itong ibalik sa Senado upang matiyak ang kaniyang kaligtasan.

Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Ret. Gen. Mao Aplasca, pinaboran lamang ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kahilingan ni Hernandez matapos pangalanan nito sa Kamara sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada na umano’y nagbaba ng pondo para sa flood control projects sa Bulacan na may 30% na SOP o kickback.

Nilinaw ni Aplasca na wala silang natatanggap na banta sa buhay ni Hernandez.

Dahil dito, susunod si Hernandez sa patakaran ng Camp Crame, kabilang ang visiting hours na mula 1:00 p.m. hanggang 5:00 p.m. tuwing Martes hanggang Biyernes, at 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. tuwing Sabado at Linggo.

Dagdag pa ni Aplasca, kung muling iimbitahan si Hernandez sa pagdinig ng Senado o Kamara, dadaan muna sa kanilang tanggapan ang imbitasyon.

About The Author