dzme1530.ph

Detained televangelist Apollo Quiboloy, kakandidato sa pagka-senador bilang independiente

Binawi ni detained televangelist Apollo Quiboloy ang kanyang acceptance of nomination mula sa Workers’ and Peasants’ Party (WPP), at sa halip ay tatakbo bilang independent candidate sa pagka-senador sa Halalan 2025.

Kahapon ay isinumite ni Atty. Mark Tolentino ang liham ni Quiboloy na naka-address kay Comelec Chairman George Garcia, kung saan nakasaad na ayaw nitong masangkot sa “intra-party dispute” ng WPP.

Sinabi ni Tolentino sa mga mamamahayag na paninindigan ni Quiboloy ang Pro-God, Pro-Filipino at Pro-Philippines na plataporma ng pamahalaan.

Idinagdag pa ng Abogado na mayroon man o walang kina-aanibang partido, ay kayang mangampanya ng kontrobersyal na pastor.

Samantala, ikinatuwa naman ni Senatorial aspirant at Labor Leader Sonny Matula ang pangyayari, sa pagsasabing hindi papayag ang WPP na gamitin ni Quiboloy, kasabay ng pagbibigay diin na walang paksyon sa kanilang partido. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author