Ilalabas ng Comelec ang kanilang desisyon sa disqualification case laban sa mga miyembro ng pamilya Tulfo sa ikalawa o ikatlong linggo ng Marso.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, reresolbahin muna ng mga miyembro ng division na inatasang mag-review sa disqualification plea ang technical issue, bago ipatawag ang mga Tulfo.
Aniya, pasasagutin ang mga respondent, limang araw matapos nilang matanggap ang summons, at saka isusumite ang desisyon sa kaso.
Sa petisyon, binigyang diin ni Virgilio Garcia ang mga respondent ay mula sa parehong pamilya, na ipinagbabawal sa ilalim ng 1987 constitution bunsod ban sa political dynasties.
Pinadi-diskwalipika sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at Broadcaster Ben Tulfo na kapwa tumatakbong Senador; re-electionists Representatives Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS at Ralph Tulfo ng Quezon City; at Turismo Party-List first nominee Wanda Tulfo-Teo.