Pinayuhan ni Senator-elect Panfilo Lacson si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na agad nang aksyunan ang mga natitirang courtesy resignations ng kanyang gabinete.
Binigyang-diin ni Lacson na sa pamamagitan nito maiiwasan ang iba’t ibang intriga at posibleng pagkawatak-watak sa kanyang administrasyon.
Iginiit ni Lacson na mula noong iniutos ng Pangulo nitong nakaraang linggo ang mga courtesy resignation, nagkakaroon na ng pwestuhan sa mga posisyon sa gabinete, may mga nagpapakalat ng white papers at nagpapalutang ng mga pangalan ng applicant para mapunuan ang mga posisyon na nananatiling nakabitin kung saan hindi alam kung papalitan o pananatilihin.
Ayon kay Lacson ang kawalang katiyakan ay karaniwang humahantong sa inefficiency divisiveness o pagkakawatak-watak.
Sa ngayon ang malinaw pa lamang na mananatili sa puwesto ay ang economic team habang iilang ahensya pa lamang ang nadesisyunan.