Inihayag ng Department of Health (DOH) na nirerespeto nito ang desisyon ni Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon na magretiro bilang Special Adviser for Noncommunicable Disease.
Sa pahayag ng DOH, binanggit na hiling ni Leachon na makagpag-refocus sa kaniyang pamilya, bilang dahilan ng pagbaba sa pwesto.
Pinasalamatan naman ng ahensya si Leachon para sa suporta nito, at nang maitalaga sa pwesto matapos boluntaryong tumulong sa may noncommunicable diseases.
Matatandaang nagsumite si Leachon ng kaniyang resignation kay DOH Sec. Ted Herbosa noong September 11. –sa panulat ni Airiam Sancho