dzme1530.ph

Desisyon ng Pilipinas sa pagkanlong sa Afghan refugees, malalaman sa susunod na buwan

Posibleng malaman sa kalagitnaan ng Hulyo ang tugon ng pamahalaan ng Pilipinas sa kahilingan ng Estados Unidos na pansamantalang kupkupin ang Afghanistan refugees habang ipino-proseso ang kanilang special immigration visas.

Pahayag ito ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, kasabay ng pagsasabing sakaling tanggihan ng Pilipinas ang request ng US, ay hindi naman ito makaaapekto sa bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Idinagdag ni Romualdez na mayroong mutual respect ang dalawang bansa, lalo na aniya ngayon, na batid ng Amerika na ang Pilipinas ay isang sovereign nation at mayroong mga sariling batas at nais pagtibayin ang ating posisyon sa lahat.

Hindi rin aniya patas na isipin ng sinuman na pinipilit ng US ang Pilipinas na gawin ang kanilang gusto. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author