dzme1530.ph

Desisyon ng Korte Suprema, malaking tulong para mapalawak ang sim registration —Sen. Poe

Malaking tulong ang desisyon ng Korte Suprema upang mas ma-engganyo ang taumbayan na magparehistro ng kanilang sim.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Grace Poe, isa sa author at sponsor ng Sim Registration Law.

Sa kautusan anya ng Korte Suprema, pinapatunayan lamang ang pangangailangan na mairehistro ang lahat ng sim para sa proteksyon ng mga subscriber.

Kasabay nito, hinimok ni Poe ang lahat ng ahensya ng gobyerno at telcos na ipatupad ang 5G speed o bilisan pa ang aksyon upang maiparehistro ang lahat ng sim.

Iginiit ni Poe na kailangang resolbahin agad ang mga nagiging problema tulad ng kawalan ng government ID ng ilang user kaya hindi na nila itinutuloy ang pagrerehistro.

Ipinaalala ni Poe na ang kanilang layunin ay makapagpatupad ng batas na magbibigay proteksyon sa mobile environment. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author