dzme1530.ph

Desisyon ng Comelec sa kaso ni Marcy Teodoro, idudulog sa Korte Suprema ni Pimentel

Loading

Plano ni outgoing Sen. Koko Pimentel na idulog sa Korte Suprema ang naging desisyon ng Commission on Elections na nagbabaligtad sa disqualification kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro bilang congressional candidate.

Inihayag ni Pimentel na mayroon silang limang araw upang humiling ng temporary restraining order sa Korte Suprema laban sa desisyon ng Comelec en banc.

Sinabi ni Pimentel na dapat may matutunan sa kasong ito partikular kung tamang payagan pang kumandidato sa May 2025 elections ang isang taong umalis sa distrito ng February 2024 at bumalik noong September 2024.

Hindi rin maiwasan ni Pimentel na isiping may ginawang espesyal ang Comelec at inabot anya ng anim na buwan para lutuin ang desisyon.

Mahalaga aniyang maidulog sa Korte Suprema ang legal at constitutional issue sa kontrobersiya upang maipatupad ang rule of law sa bansa.

Gayunman, ipinapasa-Diyos na aniya niya ang mga Comelec decision makers.

About The Author