dzme1530.ph

Deportasyon ng 4 na dayuhan na sumira at pumunit sa bandila ng Pilipinas sa Cavite, ikinakasa na ng BI

Tiniyak ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na isasampa nila ang kasong deportasyon laban sa apat na dayuhan na hindi gumalang sa bandila ng Pilipinas.

Ito’y matapos bastusin, sirain, at itapon ng naturang mga dayuhan ang bandila.

Ayon sa isang miyembro ng Philippine Corps na nakasaksi sa insidente, binababa ng mga dayuhan ang watawat ng Pilipinas.

Itinurn-over sa Philippine National Police (PNP) Ternate, Cavite ang mga naarestong dayuhan na kinabibilangan ng tatlong Pakistani at 1 Romanian.

Ani Tansingco, batay sa batas ng Pilipinas, “Ang mga dayuhang naninirahan dito ay dapat igalang ang ating bansa at ang ating mga batas. Ang mga dayuhang sumisira sa simbolo ng ating bansa ay nagpapakita ng lubos na kawalanggalang at hindi karapat-dapat sa ating mabuting pakikitungo.”

Nahaharap sa kasong paglabas sa Republic Act 8491 ang mga salarin, na ngayon ay sumailalim sa preliminary investigation at nakatalagang ipasok sa holding facility ng BI sa Taguig City. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author