dzme1530.ph

Deployment ng automated counting machines at mga balota, sisimulan ng Comelec sa Biyernes

Loading

Uumpisahan ng Comelec ang pagde-deploy ng mahigit 110,000 automated counting machines (ACMs) at official ballots na gagamitin sa May 12 midterm elections sa Biyernes, April 4.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nais nilang matiyak na nasa kani-kanilang respective areas na ang ACMs at mga balota, isang linggo bago ang Halalan.

Aniya, dapat na nasa tamang mga lugar na ang mga makina at balota, bago o sa May 5, dahil ang final testing at sealing ay sa May 6.

Inihayag ni Garcia na ang mga balota ay direktang ibibigay sa treasurer ng lungsod o munisipalidad habang ang makina ay sa Election officers.

Idinagdag ng Poll chief, na as of March 31, halos kalahati ng kabuuang bilang ng ACMs ang sumailalim na sa pre-election logic and accuracy tests bilang paghahanda para sa nalalapit na eleksyon.

About The Author