dzme1530.ph

DepEd, wala pa ring desisyon kung ibabalik na ang old school calendar

Wala pa ring pinal na desisyon ang Department of Education (DepEd) sa usapin kung ibabalik na sa Hunyo ang opening ng pasukan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Education kaugnay sa paghahanda sa pagbubukas ng klase sa August 29, sinabi ni Education Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, sa ngayon ay nagsasagawa na ng pag-aaral ang external party upang pag-aralan kung babalik na sa Hunyo ang school opening at kung ito ay gagawin nang dahan-dahan o biglaan.

Sinabi ni Bringas na kung gagawing gradual o unti-unti ang pagbabalik sa old school calendar aabutin ng apat hanggang limang taon bago ito maibalik.

Kung susundin naman anya ng DepEd ang Teachers Dignity Coalition na gawin itong biglaan ay maisasakaripisyo ang bakasyon ng mga guro subalit wala namang matatanggap na overtime pay ang mga guro dahil alinsunod sa konstitusyon service credits lang nag maaaring ibigay.

Sa presentasyon naman ng PAGASA, inihayag na sa bagong academic calendar, mas kaunting bagyo ang babagsak mararamdaman subalit tatama naman ang matinding tag-init.

Sa bagong academic calendar din, posibleng bumagsak ang graduation sa panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, kung sya ang tatanungin mas nais niyang maibalik na sa dati ang school calendar dahil mas nakakatulong ito sa personal growth ng mga estudyante. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author