Inilunsad ngayong lunes ng Department of Education (DepEd) ang boluntaryo na tatlo hanggang limang linggong Learning Recovery Program sa gitna ng umiiral na school break, upang mapagbuti ang learner performance at teaching capacity sa mga pampublikong paaralan.
Batay sa DepEd Order 14, ang National Learning Camp (NLC) ay dapat ialok tuwing magtatapos ang school year upang mapunan ang learning efforts sa nakalipas na taon at maihanda ang mga mag-aaral at guro para sa papasok na panibagong school calendar.
Tututukan sa Learning Camp para sa grades 7 at 8 ang mga subject na english, mathematics, at science.
Ang pagpapalawak ng programa sa iba pang grade levels at learning areas ay ipatutupad sa mga susunod na school years, kabilang ang national programs sa reading, mathematics, at science and technology na sisimulan ngayong SY 2023-2024.