dzme1530.ph

DepEd, sasanayin ang mga mag-aaral para magkaroon ng kritikal na pag-iisip

Loading

Ililipat ng Department of Education (DepEd) ang kanilang focus sa pagsasanay sa mga mag-aaral na magkaroon ng kritikal na pag-iisip, sa halip na turuan silang na magkabisado sa mga paaralan.

Ito ay upang matugunan ang functional illiteracy sa mga Pilipinong mag-aaral, matapos ibunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa hearing sa Senado, na halos 19 Million na nagtapos sa Senior at Junior High Schools noong 2024 ay hindi maituturing na “Functionally Literate.”

Ang ibig sabihin nito ay nahihirapan ang mga mag-aaral na unawain ang isang simpleng kwento.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na tutugunan niya ang problema sa pamamagitan ng pagpapaigting ng interventions ng DepEd, simula sa remedial and literacy programs hanggang sa mas epektibong paggamit ng datos sa bawat eskwelahan.

Aniya, pinalalim din nila ang kanilang teaching and assessment methods, dahil sa halip na turuang magkabisa ay hinuhubog nila ang mga estudyante na maging critical thinkers at magkaroon ng 21st century skills.

About The Author