Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang partnership program ng Department of Education (DepEd) sa pribadong sektor upang tugunan ang classroom backlog.
Para kay Romualdez, ang Generation Hope Program ng DepEd ay isang landmark collaboration sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor, alinsunod sa vision ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa “whole-of-nation approach” sa reporma sa edukasyon.
Hindi lamang ito tungkol sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, kundi pagbibigay ng konkretong pag-asa sa bawat batang Pilipino.
Ang Hope Group ay binuo noong 2012 ni Nanette Medved-Po, at kinabibilangan ng Generation Hope, Inc. at Friends of Hope. Lahat ng kita mula sa flagship products tulad ng Hope in a Bottle at Hope in a Box ay ginagamit para sa pagpapatayo ng classrooms at iba pang social projects.
Sa ngayon, nakapagpatayo na ng 144 classrooms na napapakinabangan ng 52,000 estudyante sa buong bansa.
Pinuri din ni Romualdez si Education Sec. Sonny Angara para sa kanyang “decisive leadership” tungo sa ikauunlad ng edukasyon.