dzme1530.ph

DepEd, plano nang gawing permanente ang blended learning system sa harap ng shortage sa mga guro at classrooms

Pinaplano ng Department of Education (DepEd) na i-institutionalize o gawin nang permanente ang blended learning system, sa harap ng shortage sa mga guro at classrooms sa bansa.

Ayon kay DepEd Spokesman Undersecretary Michael Poa, ito ang nakikitang mabilis na paraan upang ma-decongest ang mga paaralan.

Kaugnay dito, isusulong ng DepEd ang “two-track approach” kung saan pagsasamahin ang mga hakbang sa pagtatayo ng mas maraming classrooms at pagha-hire ng mga guro, at paggamit ng teknolohiya.

Gayunman, iginiit ni Poa na bago gawing permanente ang blended learning ay dapat munang matiyak na hindi nito maaapektuhan ang kalidad ng edukasyon.

Mababatid na dahil sa mga ipinatupad na lockdown bunga ng COVID-19 pandemic, ipinatupad ang blended learning system o ang pagsasagawa ng online classes at pagbibigay ng learning modules sa mga estudyante para sa distance learning. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author