dzme1530.ph

DepEd, pinabubuo ng maayos na strategic plan sa implementasyon ng Mother Tounge Education Program

Pinabubuo ni Senate Basic Education Committee Chairman Sherwin Gatchalian ng strategic plan ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education Program (MTBML).

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Gatchalian na ilan taon na ang programa subalit walang plano kung paano ito maipapatupad nang maayos at hanggang ngayon ay may mga problema pa rin sa mga paaralan at learning materials.

Sinabi ni Gatchalian na kailangang maipakita ng DepEd kung magkano ang kailangan, ano ang strategy, at gaano katagal bago maipatupad ang 172 languages sa mga paaralan.

Ayon kay Dr. Rosalina Villaneza, Chief Education Program Specialist ng DepEd Bureau of Learning Delivery, walang pondong nakasulat sa initial roadmap nila.

Pero kung iko-compute ang kailangan para sa produksyon ng learning materials ng 30 languages sa P500,000 aabutin ito ng P15-M.

Bukod pa ito sa 10-day training ng 299,000 K-to-3 teachers na P40,000 bawat isa na aabutin ng P11.96-B.

Kaya sa kabuuan mahigit P12-B ito. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author