DEPED, nagpatulong sa NBI para imbestigahan ang iregularidad sa SHS voucher program

dzme1530.ph

DEPED, nagpatulong sa NBI para imbestigahan ang iregularidad sa SHS voucher program

Loading

Nagpasaklolo ang Department of Education (DepEd) sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang umano’y iregularidad sa voucher program ng Senior High School (SHS).

Sa statement, tiniyak ni DepEd Sec. Sonny Angara ang full cooperation sa NBI sa isasagawang independent probe sa umano’y maling paggamit ng pondo sa pamamagitan ng “ghost students” o undocumented beneficiaries ng SHS voucher program sa ilang private schools sa bansa.

Nangako rin ang Education Chief ng tuloy-tuloy na transparency sa gitna ng imbestigasyon, kasabay ng pagtiyak na mananagot ang mga nasa likod ng anomalya.

Inihayag ng DepEd na nagpatupad ito ng mas mahigpit na verification process at multiple-layered cross-checking para sa voucher management system at sa learner information system.

About The Author