dzme1530.ph

DepEd, mangangailangan ng mahigit ₱13 milyon para sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan matapos manalasa ang bagyong Tino

Loading

Mahigit ₱13 milyon ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa paglilinis at minor repairs ng mga paaralang napinsala ng Typhoon Tino.

Sa latest report mula sa DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), kabuuang 76 paaralan sa Central, Eastern, at Western Visayas, pati na sa Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao ang nagtamo ng pinsala dahil sa bagyo.

Ayon sa kagawaran, ₱11.6 milyon ang kailangan para sa minor repair ng mga paaralan, kabilang ang ₱49,000 na inilalaan para sa bawat nasirang classroom.

Karagdagang ₱2.11 milyon ang kailangan para sa cleanup and clearing operations sa 76 na apektadong paaralan.

Sa tala ng DRRMS, 64 ang totally damaged classrooms, 91 ang nagtamo ng major damage, habang 237 classrooms ang nagkaroon ng minor damage.

About The Author