dzme1530.ph

DepEd, inutusan ng Pangulo na gawin ang lahat upang maituloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Dep’t of Education na gawin ang lahat upang maituloy ang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Sa ambush interview sa San Mateo Rizal, inihayag ng Pangulo na hangga’t maaari ay itutuloy ang pagbubukas ng school year 2024-2025 sa Lunes, kung maayos naman ang kondisyon ng mga silid-aralan

Gayunman, aminado si Marcos na may mga paaralang hindi talaga kakayaning magbukas ng klase sa Lunes, partikular ang mga pinasok ng baha at putik, o may mga nasirang gamit.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na nakasalalay pa rin sa mga paaralan ang desisyon, at kung kakayanin umano ay maaari silang magdaos muna ng mga klase sa labas ng school buildings.

About The Author