dzme1530.ph

DepEd, inilunsad ang 10-year Quality Basic Education Development Plan

Loading

Inilunsad ng Department of Education ang Quality Basic Education Development Plan (Q-BEDP) para sa taong 2025 hanggang 2035.

Layunin ng planong ito na tugunan ang matagal nang problema sa sistema ng edukasyon sa bansa, kabilang na ang mababang learning outcomes, kakulangan sa pasilidad, at kawalan ng access sa digital education.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, saklaw ng Q-BEDP ang buong pag-aaral ng isang bata mula Grade 1 hanggang Grade 12 sa loob ng sampung taon.

Tiniyak ni Angara na bahagi rin ng programa ang pagsasanay ng mga estudyante sa computer-based exams at paghahanda sa international assessments tulad ng PISA.

Gayunman, aminado ang kalihim na ang pagpapatuloy ng Q-BEDP matapos ang 2028 ay nakadepende na sa magiging desisyon ng susunod na administrasyon.

About The Author