dzme1530.ph

DEPED, hinimok na ibalik ang LGU counterpart program sa pagtatayo ng mga classrooms

Loading

Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na muling buhayin ang tinatawag na “counterpart program”, kung saan hahatiin ng national government at mga local government units (LGUs) ang gastos para sa pagtatayo ng mga bagong silid-aralan.

Sa ilalim ng programa, tig-50% ang sasagutin ng national at local governments, habang ang LGU ang mangangasiwa sa mismong konstruksyon.

Ayon sa senador, tinatayang aabot sa ₱413.6 bilyon ang kailangang pondo upang matugunan ang kakulangan sa mahigit 165,000 classrooms sa buong bansa.

Giit ni Gatchalian, sa pamamagitan ng sabayang konstruksyon ng LGUs, mas mabilis na mareresolba ang classroom backlog.

Ipinaliwanag din niya na sa dami ng problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon, kailangang pag-isahin ang pondo at kakayahan ng pamahalaang nasyonal at lokal para masigurong may ligtas at maayos na lugar ang bawat batang Pilipino para sa pag-aaral.

About The Author