dzme1530.ph

DepEd Community, tiniyak ang pakikipagtulungan kay incoming DepEd sec. Sonny Angara

Tiniyak ng Dep’t of Education ang pakikipagtulungan sa susunod nilang kalihim na si Senator Sonny Angara.

Sa official statement, sinabi ng DepEd na welcome sa kanila ang pag-appoint ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Angara.

Kasabay nito’y nasasabik na umano ang buong DepEd Community sa pagta-trabaho sa ilalim ng bagong liderato.

Tiniyak din ng kagawaran ang patuloy na pagsusumikap upang mapaganda ang kalidad ng basic education sa bansa.

Mababatid na si Angara ang nagsulong ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act at Enhanced Basic Education Act of 2013 o K-12.

About The Author