dzme1530.ph

DepEd chief, walang planong humirit ng confi, intel fund

Walang plano si Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na humingi ng confidential at intelligence funds para sa taong 2025.

Sa pagharap ni Angara sa budget hearing sa Committee on Appropriations, tinanong ni Kabataan Party-List Rep. Raoul Manuel kung may plano itong humirit ng CIF.

Tugon ng Kalihim, wala dahil bukod sa naging kontrobersyal ito wala siyang nakikitang pangangailangan para dito.

Sakali man ay ilalagay na lang nila sa line item ang programa o proyekto na mangangailangan ng budget.

Matatandaan na nuong nakalipas na linggo, sa budget briefing ng Office of the Vice President tumanggi si VP Sara Duterte na sagutin ang mga tanong ukol sa CIF sa panahon na siya pa ang kalihim ng Edukasyon sa katwirang wala na siya sa Kagawaran ngayon. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author