Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na ipagpapatuloy ng Department of Education ang mahahalagang reporma upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sinabi ni Angara na tuloy ang reporma na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang puno’t dulo ay itaas ang kalidad ng edukasyon.
Sa paghahanda ng mga paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase, nahaharap pa rin ang kagawaran sa matagal nang mga problema, gaya ng kakapusan sa mga silid-aralan at mabigat na workload ng mga guro.
Inihayag ng Kalihim na ginagawan naman nila ito ng solusyon, kabilang na ang pag-hire ng 20,000 mga bagong guro at 10,000 administrative officers.