dzme1530.ph

DepEd chief, nagbabalang mahaharap sa parusa ang mga paaralang may anomalya sa voucher program

Loading

Binalaan ni Education Sec. Sonny Angara ang mga paaralan na mapatutunayang may mga anomalya sa Senior High School Voucher Program (SHS-VP) na mahaharap sa parusa.

Ginawa ni Angara ang babala sa ambush interview sa Barihan Elementary School sa Malolos City, Bulacan, sa nationwide kickoff ng Brigada Eskwela 2025.

Sinabi ng Kalihim na maaaring makasuhan ang mga paaralan na ayaw magbayad, gayundin ang school officials.

Noong Marso ay inalis ng Department of Education (DepEd) ang 55 private schools mula sa SHS-VP, kasunod ng nakitang discrepancies sa kanilang billing statements sa learner’s information system.

Ang programa na co-implemented ng DepEd at Private Education Assistance Committee, ay financial assistance initiative na nagbibigay ng subsidiya sa pamamagitan ng vouchers, sa qualified learners na naka-enroll sa participating private o non-DepEd public senior high schools.

About The Author