dzme1530.ph

DepEd chief, hinimok na suportahan ang panawagang umento sa sweldo ng mga pampublikong guro

Loading

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) kay Education Sec. Sonny Angara na suportahan sila sa patuloy na panawagan nila para sa itaas ang sweldo ng public school teachers at education support personnel.

Sa liham kay Angara, muling sinabi ni ACT Chairperson Vladimer Quetua ang kanilang demand na ₱50,000 na entry-level salary para sa mga guro, at ₱33,000 na base pay para sa Salary Grade 1 employees.

Hinimok ni Quetua ang kalihim na tuparin ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pag-endorso sa kanilang petisyon bilang mandato mula sa mga guro at education workers.

Idinagdag ng grupo na ang pagbibigay ng disenteng sweldo ay hindi lamang magpapagaan sa kanilang pinansyal na pasanin, kundi makatutulong din sa pagresolba sa lumalalang education crisis sa bansa.

About The Author