dzme1530.ph

Department of Water Resources, isinusulong para solusyonan ang problema sa water management

Loading

Matapos manumpa bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina City, agad na inihain ni Rep. Marcelino Teodoro ang House Bill No. 1252 na naglalayong bumuo ng Department of Water Resources.

Paliwanag ni Teodoro, marami pa ring Pilipino ang walang access sa malinis na tubig, hindi dahil sa kapos sa supply kundi bunga ng bureaucratic inefficiencies.

Sa ngayon hindi umano bababa sa 30 national at local gov’t agencies ang nagpapatupad ng hindi magkakaugnay na patakaran kaya nauuwi sa mahinang kalidad ng serbisyo.

Tiwala si Teodoro na sa pamamagitan ng pagtatatag ng Department of Water Resources, maisasaayos ang mga problema sa water management.

Nakasaad din sa panukala ang paglikha ng independent water regulatory commission upang matiyak ang patas, maayos, at ligtas na distribusyon ng tubig sa mga kabahayan.

About The Author