dzme1530.ph

Department of Energy, nilinaw na walang malawakang Power Outage

Nilinaw ni Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan na wala namang malawakang Power Outage na naganap kahapon.

Matatandaang tiniyak ng Meralco na sapat ang magiging suplay ng kuryente sa Pilipinas noong mga nakaraang buwan, subalit kahapon lamang ay isinailalim ang Luzon at Visayas Grid sa red at yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bunsod ng manipis na suplay ng kuryente.  –Sa panulat ni Judea Lyn Bernardo, DZME News

About The Author