dzme1530.ph

DEPARTMENT OF AGRICULTURE, TINIYAK SA MGA MAGSASAKA NG SIBUYAS NA HINDI BABAGSAK ANG PRESYO NG KANILANG PRODUKTO

Loading

Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi maibaba ng imported stocks ang presyo ng sibuyas. 

 

Ito, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ay taliwas sa pangamba ng mga magsasaka na posibleng bumagsak ang presyo ng kanilang produkto dahil sa pagdagsa ng imported onions.

 

Sinabi ng kalihim na sapat lamang ang inangkat na produkto para punan ang kakulangan ng suplay. 

 

Ipinaliwanag ng opisyal batay sa kanilang beripikasyon, 82 percent ng storage warehouses ang naglalaman ng halos 4,500 metric tons ng red onions at  halos 5,300 metric tons ng yellow onions. 

 

Subalit saklaw ng sanitary at phytosanitary import clearances hanggang kahapon ay 8,000 metric tons. 

 

Sa tantya anya ng DA, kahit makumpleto ang imported onions ay tatagal lamang ang stock hanggang March 6 o bago pa magsimula ang local harvest. |  via Dang Garcia

About The Author